KINUMPIRMA ni Commission on Elections (COMELEC) chairman George Erwin Garcia na naibigay na ang honoraria sa lahat ng gurong nagsilbi bilang election board sa halalan ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 noong Oktubre 30.
Sa data ng COMELEC, may kabuuang 605, 379 ang mga guro na nagsilbing election board noong BSKE 2023.
Sa bilang na ito, pinakamarami ang nasa National Capital Region (NCR) na nasa 65,418 habang pinakamababa ang sa Cordillera Administrative Region (CAR) na 10,812.
Nasa 37,333 naman ang bilang sa hanay ng mga nagsilbing Department of Education Supervisor Officers (DESO).
Sa bilang na ito, ang pinakamarami ay sa Region VI na may 3,577 habang pinakamababa sa NCR na may 752.
Ayon kay Chairman Garcia, nagkakahalaga na sa halos P7-B ang pondong ipinamahagi sa lahat ng poll workers.
Matatandaang tinaasan at ipinantay ng komisyon ang halaga ng honoraria ng mga poll worker sa nakaraang 2012 National Elections.
Mula sa 6 na libo at limang libo, ay itinaas sa 10,000 at 9,000 ang honoraria ng chairman at miyembro ng electoral board.
Bukod dito, ang poll workers sa mga lugar na may kasabay na plebisito tulad ng Bulacan noong BSKE ay tatanggap ng dagdag na P2,000.
Ang katatapos na halalang pambarangay, ang itinuturing na may pinakamabilis na proseso ng pagbibigay ng honoraria sa mga gurong nagsilbi sa panahon ng eleksiyon.