LUMIKHA ng task force ang Commission on Elections (COMELEC) para sa imbestigasyon na maaring gawin ng komisyon sa mga umano’y anomalya sa Automated Election System (AES) machines noong 2016.
Ito ay kasunod ng mga report na sinampahan ng US Gov’t si dating COMELEC chair Andres Bautista ng money laundering complaints dahil sa tangkang paglilipat umano ng pera sa mga opisyal ng Smartmatic.
Ang Smartmatic ay ang supplier ng vote counting machines noong 2016 elections.
Ayon kay COMELEC chairman Atty. George Garcia, ang pagbuo ng task force ay para tiyaking magiging handa ang komisyon sa magiging development ng kaso ni Bautista.
Sa ilalim ng task force, iimbestigahan ang naging bidding process sa mga makinarya na ginamit noong eleksiyon.
Iimbestigahan din ang mga taong may partisipasyon sa bidding.
Samantala, una nang itinanggi ni Bautista ang mga akusasyon at handa aniya itong sagutin sa proper forum ang mga reklamo laban sa kaniya sa kabila ng kaso ni Bautista ayon kay Garcia, hindi pa maaring madiskwalipika ang Smartmatic sa paglahok sa procurement at bidding process para sa mga makinarya na gagamitin sa 2025 elections.
Tiniyak naman ni Garcia na magiging patas at transparent ang magiging bidding process sa mga bagong makinarya na gagamitin sa 2025 elections.