COMELEC kailangan ng karagdagang P2.5B na pondo para sa BARMM elections

COMELEC kailangan ng karagdagang P2.5B na pondo para sa BARMM elections

NANGANGAILANGAN ang Commission on Elections (COMELEC) ng karagdagang P2.5B kung hindi matutuloy ngayong Mayo ang kauna-unahang eleksiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay COMELEC Chair George Garcia, kapag may reset o postponement, kakailanganin din aniya ng hiwalay na mga gamit, guro, at balota.

Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng hiwalay na budget.

Sa panukala ng Senado na suportado ng Pangulo ng bansa, maaaring sa Oktubre na isasagawa ang BARMM elections.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble