COMELEC may paalala sa reelectionists ngayong midterm elections

COMELEC may paalala sa reelectionists ngayong midterm elections

MULING ipinaalala ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato lalong-lalo na ang reelectionists ngayong halalan na huwag gumamit ng mga pondo ng gobyerno para sa pampolitikang layunin.

Lalong-lalo na’t magsisimula na ang 45-araw na local campaigning sa Biyernes, Marso 28, 2025.

Saklaw rin sa paalalang ito ang mga opisyal ng barangay kahit na hindi sila mga kandidato.

Nilinaw ng COMELEC na ang pang-aabuso sa yaman ng gobyerno ay hindi lamang limitado sa pamamahagi ng pondo ng pamahalaan.

Maaari ding sa pamamagitan ng paggamit ng mga pasilidad ng gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble