COMELEC, nagsasagawa ng roadshow at demo ng makinarya para sa 2025 elections

COMELEC, nagsasagawa ng roadshow at demo ng makinarya para sa 2025 elections

KASALUKUYANG nagsasagawa ang Commission on Elections (COMELEC) ng nationwide roadshow at demonstration ng mga makinaryang gagamitin sa 2025 elections.

Sa bahagi ng Maynila, pinangunahan ni COMELEC Chair Atty. George Garcia ang demo ng automated counting machine sa Manila High School sa mga botante mula sa ilang barangay sa lungsod.

Ito ay bahagi ng programa ng komisyon para sa voter’s education bago ang darating na halalan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter