BATAY sa monitoring ng Commission on Elections (COMELEC) Head Office, nakatanggap na ang kanilang field offices ng mga lagda para sa isinusulong na People’s Initiative (PI).
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ang mga pirma ay galing sa 300 na mga munisipalidad at siyudad sa buong bansa.
Ilan sa mga signature pages na natanggap nila ay mula sa mga lugar sa Samar, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Leyte, Maguindanao del Sur, Cagayan de Oro, Occidental Mindoro, Cavite, Bulacan, at maging sa National Capital Region.
“Base sa ating report coming from the field, narereport nila sa atin na nakakatanggap na sila ng signature pages. ‘Yung iba nire-reject, ‘di tinatanggap ng local COMELEC natin dahil una ‘yung iba na file kasi sa opisina ng provincial election supervisor samantalang nakalagay sa guidelines sa rules ng COMELEC dapat ito ay ma-file sa local COMELEC meaning sa local election officer ng city o municipality.”
“’Di sya lalagpas ng 300, ‘di pa lang namin officially mailabas pagkat patuloy counter checking ng signature,” pahayag ni Atty. George Garcia, Chairman, COMELEC.
Nilinaw naman ni Garcia na bago ang certification nito ay dadaan pa sa countercheck ang mga lagda.
Mag-iisyu sila ng certification kung tama ang inihaing bilang base sa deklarasyon ng proponents.
“Alam nyo po ang sunod na proseso pagkatapos opisyal ma-submit, mag issue pa ang local COMELEC ng certifications bibilangin nya ahat ng signature na nasubmit sa kanya. Ang sabi ng proponents 10K ika-counter check ng local COMELEC namin kung talagang 10K,” dagdag ni Garcia.
Kung nag-reconcile na sa signature forms, ang proponent, maari nang magsumite ng petisyon para sa People’s Initiative.
Idedermina naman ng clerk of courts kung may substansiya ang petisyon.
At kung meron batay sa husga ng clerk of courts ay saka naman ito huhusgahan ng COMELEC en banc.
“Pagtapos makakumpleto ng signature kung sino proponent mag-file sa COMELEC ng petition para sa People’s Initiative. May checklist kami. Sufficiency in form, sufficiency in substance. Mga bagay na ‘yan magdetermine aming clerk of court.”
“Tapos 1 week magsubmit sa en banc ng recomendation kung sufficient o hindi. ‘Yun pag-usapan ng en banc kung ia-adopt o reject. Role ng COMELEC ministerial. Wala kami magagawa, aasa kami sa mga naka-attach dun sa kanilang petisyon. Aalamin lang natin kung ito ba ay dapat bigyan ng due course o dapat dismiss agad pagkat kulang petisyong na na-file sa’tin,” dagdag ni Garcia.