NANINDIGAN ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi nila pwedeng ibasura o itapon ang natanggap nilang signature forms para sa People’s Initiative (PI).
Ang pahayag ng COMELEC ay kasunod ng apela ni Senator Imee Marcos na itapon na ang mga ito pagkaraang suspendihin ng komisyon ang pagtanggap ng mga lagda.
Saad pa ng COMELEC na hanggang nasa kanila ang mga signature sheets ay iingatan ito ng kanilang mga local offices.
Pero sa sakabilang banda, apela ng komisyon sa mga nagsumite ng forms na mas maiging bawiin na lamang nila ito sa komisyon habang suspendido ang proseso para sa PI.
Mas maigi pa ayon kay COMELEC Chair George Garcia, na ang mga proponent o nagsumite nito ang magtago at mag-ingat sa mga forms.
Sakali namang babawiin ng mga ito ang PI forms ay babawiin ng komisyon ang certification na ibinigay ng election officer.