COMELEC, nanindigan na matagal na nilang ipinatupad ang Data Privacy Act

COMELEC, nanindigan na matagal na nilang ipinatupad ang Data Privacy Act

IGINIIT ng Commission on Elections (COMELEC) na matagal na silang sumusunod sa Republic Act 10173 o Data Privacy Act of 2012.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na katunayan ay noon pang 2016 nabalangkas at ipinapatupad ng COMELEC ang sarili nitong Data Privacy Management Policies na nababase sa RA 10173 na aprubado ng National Privacy Commission.

Naging mas mahigpit pa nga anya ang COMELEC sa pagpapaigting ng seguridad, at napatunayan naman at malinaw na walang naganap na data breach sa anuman server o kagamitan ng IT ng COMELEC.

Secured at safe anya ang lahat ng data ng ating mga mamamayan lalong lalo na ang mga impormasyong  patungkol sa halalan.

Ito ang naging reaksyon ng COMELEC makaraang inabswelto sila ng National Privacy Commission sa alegasyon ng paglabag sa Data Privacy Act.

Follow SMNI NEWS in Twitter