COMELEC, pasasagutin na ang mga Tulfo kaugnay ng kanilang disqualification case sa komisyon

COMELEC, pasasagutin na ang mga Tulfo kaugnay ng kanilang disqualification case sa komisyon

NASA dibisyon na ng Commission on Elections (COMELEC) ang petisyon na nagpapadiskwalipika sa mga Tulfo sa May 12 elections.

Ang respondents sa petisyon ay sina ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at Ben Tulfo na parehong tumatakbo sa pagkasenador, gayundin si ACT-CIS Rep. Jocelyn Pua-Tulfo at si Quezon City 2nd District Representative Ralph Wendel Tulfo na parehong re-electionists sa May 12 elections.

Respondent din sa DQ Case ang 1st nominee ng Turismo Partylist Group na si Wanda Tulfo-Teo.

Si Jocelyn at Ralph Wendel Tulfo ay asawa at anak ni Senador Raffy Tulfo habang nakababatang kapatid naman nito sina Erwin, Ben at Wanda Tulfo.

Ayon pa sa petisyon, bigo ang mga respondent na magkaroon ng sapat na requirement para sila’y maituring na natural born citizens sa ilalim ng konstitusyon.

Matatandaan na minsan nang inamin ni Erwin Tulfo na naging American Citizen ito noong taong 1988 pero naibalik daw nito ang kaniyang Filipino Citizenship noong taong 2022.

Dahil sa mga nasabing ground ay hindi raw dapat makatakbo pa sa 2025 National at Local Elections ang mga Tulfo.

Ayon kay COMELEC Chair Atty. George Garcia, pasasagutin na ng dibisyon ang mga Tulfo hinggil sa naturang petisyon.

‘’Nakausap na mga myembro ng first division and they will now issue, necessary summons they will likewise…flown hearing of the matter,’’ ayon kay Atty. George Garcia.

Ang Senatorial Candidate na si Tito Sotto, kumpyansa naman na hindi sila tatamaan ng isyu ng political dynasty.

May iilan ding kamag-anak sa posisyon si Tito Sotto na tumatakbo ulit sa susunod na halalan.

Ayon naman kay Senatoriable Ping Lacson, kailangan muna ng kongkretong batas para matukoy kung sino ang mga talagang tatamaan ng political dynasty.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble