Communist insurgency sisikaping tapusin ng AFP sa Duterte Administration

Communist insurgency sisikaping tapusin ng AFP sa Duterte Administration

SISIKAPING tapusin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang communist insurgency sa Duterte Administration.

Hinimok ni Military Commanding General Andres Centino ang mga kasundaluhan na huwag biguin ang taumbayan sa inaasam nilang kapayapaan mula sa mga karahasang dala ng rebeldeng kilusan.

Ipinangako ng liderato ng AFP na tatapusin nila ang 5 dekadang mahigit na problema ng insurhensiya na dala ng rebeldeng komunistang terorista sa bansa bago pa man matapos ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa harap ng matataas na opisyal ng AFP, iginiit ni  AFP Chief of Staff General Andres C. Centino ang pagsasakatuparan na matigil na ang local armed conflict sa bansa kasabay ng pagtitiyak na maging maayos ang pagdaraos ng papalapit na 2022 national and local elections.

Hinimok din nito ang lahat na patuloy na magkaisa para mapanatili ang momentum at patuloy na makuha ang kalamangan laban sa mga kalaban ng estado.

“As your chief of staff, I am taking the lead in this final push of our campaign. I enjoin everyone to maintain our momentum, sustain our gains, and remain victorious. Let us finish the local armed conflict within the president’s term,” pahayag ni General Centino.

Ipinaalala rin ng military chief sa kasundaluhan na huwag biguin ang taumbayan sa kanilang pangako na isulong kapayapaan at seguridad sa lipunan.

“As the Armed Forces of the Filipino people, we shall not fail them in their desire of having a peaceful and secure society,” aniya pa.

Samantala, sa panayam ng SMNI News kay National Security Council Secretary Hermogenes Esperson nauna na nitong tinutulan ang pagbuhay ng peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) dahil aniya sa kawalan ng sinseridad ng mga ito at malayo aniya ang isinusulong nitong adhikain sa pamahalaan.

Matatandaang, nabatikos ang apat na presidentiables ngayong 2022 polls dahil sa pagpabor nito sa peace talks.

Sa ngayon, kasalukuyang pinangungunahan ng pamahalaan ang anti insurgency campaign nito sa ilalim ng EO 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung saan ilang barangay na rin ang narekober ng gobyerno na dating may malawak na impluwensiya ng CPP- NPA-NDF.

Follow SMNI News on Twitter