KINUMPIRMA ni Justice Secretary Crispin Remulla na nag-apply ng citizenship sa Cambodia si Congressman Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. bukod pa sa political asylum sa Timor-Leste.
Sinabi ng kalihim na ito ay batay sa impormasyon na kanilang natanggap pero bukod diyan ay wala silang karagdagang detalye ukol sa proseso o kung iri-renounce ni Teves ang kaniyang Filipino citizenship.
Samantala, nitong nakaraang linggo ay kinumpirma rin ni Remulla na nasa Timor-Leste pa rin si Teves at idinulog na sa Korte Suprema doon ang kaniyang hirit na asylum.
Mula aniya sa Singapore ay sumakay nang pribadong eroplano si Teves papunta sa Timor-Leste kasama ang 13 katao.