NAG-abot ng tulong ang Congressional Spouses Foundation, Inc. (CSFI) para sa mga biktima ng lindol sa Türkiye at Syria nitong Pebrero.
Pinangunahan ni CSFI chairman at Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez ang pag-aabot ng P1-M cheque kay Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol.
Idinaan ng CSFI ang tulong sa Philippine Red Cross (PRC) kung saan isa sa governor si Pangasinan 3rd District Rep. Maria Rachel Arenas.
Pinasalamatan naman ng Red Cross ang Kamara at CSFI sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng lindol.
Sa pinakahuling tala, mahigit 50,000 katao ang nasawi sa 7.8 magnitude na lindol at mahigit 6 milyon na ang nawalan ng tirahan.