Pagkakaroon ng online library, inihain sa Kamara

Pagkakaroon ng online library, inihain sa Kamara

INIHAIN nina Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ang isang panukalang nagnanais na magkaroon ng Philippine Online Library.

Layunin nito na magkaroon ng digitized copy ang lahat na textbooks at reference books na ginagamit sa pampublikong edukasyon ng elementary at secondary students.

Ito’y para matiyak din na may access at available para sa lahat ang learning materials.

Hinihikayat din ng panukala ang stable na internet connectivity.

Kaugnay nito, ang magma-manage sa online library batay sa panukala ay ang Department of Education (DepEd) at Department of Information and Communication Technology (DICT) para masigurong maisakatuparan ang mga nasa panukala.

Kung magiging batas ay sinabi ni Romualdez at Acidre na magkaroon ng paunang P500-M pondo ang online library at pagkatapos ay magkakaroon naman ito ng P100-M na pondo na isasama sa annual budget ng DepEd.

 

 

Follow SMNI News on Twitter