Contempt Order vs sa isang pulis, binawi ng Senate panel bago magtapos ang pagdinig sa Degamo Slay

Contempt Order vs sa isang pulis, binawi ng Senate panel bago magtapos ang pagdinig sa Degamo Slay

SA ika-apat na pagdinig ng Senate panel sa Degamo Slay at mga serye ng pagpatay sa Negros Oriental ay tinanggal na ng Senate panel ang contempt order laban sa isang pulis na nasasangkot sa isang assassination attempt sa Negros Oriental.

Sa pagdinig ng Senate panel araw ng Miyerkules ay inihain ni Senator Jinggoy Estrada ang mosyon na tanggalin na ang contempt order laban kay Police Staff Sergeant Noel Alabata.

Matatandaan na si Estrada rin ang naghain ng mosyon na i-contempt ito noong April 19 dahil umano sa pagsisinungaling.

Sa pagdinig kasi ay itinanggi nitong may kinalaman siya sa assassination attempt sa mga negosyante na sina Jason Ong at Sandy Tinguha.

Hindi rin aniya nito maalala kung sino ang nagpiyansa sa kaniya, at kung nakit ito gumamit ng mga alyas na pangalan.

Pansamantala itong ikinulong sa basement ng Senado.

Sa pagkakatanggal ng contempt order ay palalayain na ng Senado si Alabata.

Mamayang alas diyes ay muling magkakaroon ng pagdinig ang Senate Panel hinggil sa Degamo Slay at mga serye ng pagpatay sa Negros Oriental.

Pipilitin ng Senate panel na matapos ang pagdinig ngayong araw.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter