Converge at Bolts, dinomina ang PBA Governor’s Cup opener

Converge at Bolts, dinomina ang PBA Governor’s Cup opener

DOMINADO ng Converge FiberXers at Meralco Bolts ang opener ng PBA Governor’s Cup.

Sa naging laro noong Linggo, January 22, 2023, pinataob ng Converge ang Northport Batang Pier sa iskor na 122-92.

Si Maverick Ahanmisi ang nanguna sa panalo ng Converge sa iskor na 29 points, 9 assists at 6 rebounds.

Samantala, tinalo rin ng Meralco Bolts sa PBA opener ang Rain or Shine Elasto Painters sa iskor na 105- 87.

Si KJ McDaniels ang nanguna sa Bolts matapos nag-ambag ito ng 27 points at 23 rebounds.

 

Follow SMNI News on Twitter