Kamara, inilahad ang mga pangalan ng big-time importers at agri-smugglers

Kamara, inilahad ang mga pangalan ng big-time importers at agri-smugglers

IBINULGAR sa hearing ng House Committee on Ways and Means ang ilang pangalan ng mga big-time brokers, importers at facilitators sa bansa.

Ayon sa Kamara, sangkot ang mga ito sa large-scale agricultural smuggling sa local ports.

Ayon kay Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing Jr., ang mga ito ay sina Michael Ma, Lugene Ang, Andrew Chang, Beverly Peres, at isang nagngangalang Aaron.

Kasama rin sina Manuel Tan, Leah Cruz, Jun Diamante, Lucio Lim o ang right hand ni Lugene Ang sa Bureau of Customs at Gerry Teves. big-time

Madalas na nagiging entry point ng kanilang smuggled agri products ay sa Manila International Container Terminal (MICP), Port of Manila, Port of Subic, Port of Cagayan de Oro at Port of Batangas.

Follow SMNI NEWS in Twitter