Meralco Bolts, nanalo laban sa Magnolia sa game 5 ng 2021 PBA Cup

Meralco Bolts, nanalo laban sa Magnolia sa game 5 ng 2021 PBA Cup

NANALO ang Meralco Bolts laban sa Magnolia hotshots sa game 5 ng best-of-seven semifinal series ng 2021 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

Pinangunahan ni Allein Maliksi ang Meralco Bolts sa pamamagitan ng 29 points, tatlong rebounds at dalawang steals.

Si Nards Pinto naman ay nakapag-ambag ng 24 points at limang assists.

Sa kabuoan, 102-98 ang naging iskor ng Meralco at Magnolia.

Coach ni Nesthy Petecio, magreretiro na

Samantala, magreretiro na ang Coach ni Tokyo Olympic Silver medalist Nesthy Petecio sa huling bahagi ng 2021.

Ayon sa Association of Boxing Alliances of the Philippines, gusto na umano ni national boxing coach Nolito Velasco, 58 years-old, na magretiro para makasama ang pamilya.

Si Velasco ay ang nakatatandang kapatid ni Olympic medalists Roel Velasco at Onyok Velasco.

SMNI NEWS