PINALAYA ng Court of Appeals ng Cambodia ang limang aktibista sa bansa.
Maagang pinalaya ng Court of Appeals ng Cambodia ang limang aktibista kabilang na ang sikat na labor leader na matagal nang kritiko ng gobyerno.
Ayon sa Phnom Penh Court of Appeals, una na nitong ipinag-utos ang pagpapalaya kay Rong Chhun at iba pa.
Si Rong Chhun ay Presidente ng Cambodia, Confederation of Unions at nasa kustodiya mula pa noong hulyo taong 2020.
Siya ay ikinulong matapos umano magkalat ng pekeng balita ukol sa border ng bansa at Vietnam.
Matatandaan na kabilang si Rong Chhun sa may mga hawak sa impluwensya sa pulitika sa Vietnam dahil nagrerepresenta ito sa maraming labor workers.