KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng tataasan ang Deployment cap ng healthcare workers para sa taong 2022.
Mula sa 6,500 deployment limit ng mga healthcare workers, gagawin na itong 10,000 sa susunod na taon.
Sinabi ni Labor assistant Secretary Dominique Tutay, dagdagan ng technical working group ng 4,000 ang Deployment cap para sa healthcare workers.
Sa Deployment capacity exempted ang mga health care workers na patungong UK, balik manggawa, government to government agreement ng Germany kundi tanging mga new hire na OFW o HCW ang kabilang sa naturang cap.
Sa ngayon ay pansamantala munang itinigil ng POEA ang pagpapadala ng mga health care workers palabas ng bansa dahil naabot na natin ang limitasyon o cap na 6,500.
