Covered staycation hotels, maaari nang mag-operate ng full capacity

Covered staycation hotels, maaari nang mag-operate ng full capacity

MAAARI nang mag-operate ng full capacity ang covered staycation hotels sa mga lugar na naka-Modified General Community Quarantine (MGCQ) status.

Sakop ng naturang direktiba ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang may certificate to operate bilang covered staycation hotels mula sa Department of Tourism (DOT).

Maaari na ring tumanggap ng guests na may edad labing-walo hanggang animnaput lima ang staycation accredited hotels sa MGCQ.

Ito’y basta’t nagpapakita ng lehitimong negative COVID-19 test result.

Ang mga DOT-accredited naman na accommodation establishments sa mga lugar na napasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) status ay maaari nang tumanggap ng guests para sa leisure purposes hanggang 30% capacity.

Mga kainan at personal care establishments papayagan nang magdagdag ng kapasidad simula bukas

Papayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga kainan at personal care establishments na magdagdag ng kapasidad simula sa Hunyo 1.

Mula sa 10% ay magiging 49% na ang papayagang kapasidad sa mga naturang establisyimento.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez posibleng madagdagan pa ito kung makakakuha ng safety seal ang nabanggit na establisyemento mula sa kanilang tanggapan.

Posibleng maghihigpit naman ang DTI sa pagpapatupad ng health protocols upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung magbubukas na ang mga negosyo sa bansa.

 

SMNI NEWS