NAGTAAS ng blue alert ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa gitna ng malalakas na pag-ulan dulot ng low pressure area sa hilagang bahagi ng Luzon.
Inatasan ang central office na makipag-ugnayan sa regional offices sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at Cordillera.
May nakahandang P147.8M na standby funds, 3M family food packs, at 337K non-food items para sa mabilisang deployment.
