INILABAS na ng Office of the House Secretary General ang ilang dagdag na guidelines para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Kabilang dito ang COVID-19 policy, kung saan ang mga papasok ng Batasan Complex ay kailangang magpresenta ng vaccination card bilang patunay na kumpleto ang kanilang bakuna kontra COVID-19.
Para naman sa mga hindi pa bakunado, kailangan lamang nilang magsumite ng negative RT-PCR test na kuha sa loob ng 48- oras bago ang mismong event ng SONA.
Bukod dito, ipatutupad din sa Batasan ang “No SONA 2023 Car Pass, No Entry”.
Isasara naman ang Batasan kapag dumating na ang Pangulo bandang 3:00 ng hapon at bubuksan lamang ito kapag nakaalis na ang Pangulo.