NILINAW ni World Health Organization (WHO) Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic.
Matatandaan na bago ito ay sinabi ni Ghebreyesus na abot-tanaw na nito ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic.
Pero paglilinaw ni Ghebreyus, hindi ito nangangahulugan na tapos na ang pandemya.
Punto nito na ang mundo ay nasa mabuti nang posisyon para tapusin ang pandemya dahil sa ginagawang bakunahan kontra COVID-19 virus.
Pero aniya mahaba pa ang paglalakbay na kailangang gawin para mawakasan ito at marami pang obstacle ang kailangang pag-ingatan ng iba’t ibang bansa.