Kooperasyong pandagat ng Pilipinas at Korea, muling palalakasin –DFA

Kooperasyong pandagat ng Pilipinas at Korea, muling palalakasin –DFA

NAGKASUNDO ang Pilipinas at Republic of Korea (ROK) na palakasin ang maritime cooperation at tugunan ang mga ibinahaging hamon at alalahanin sa pandagat.

Ang pagpupulong sa kanilang inaugural maritime dialogue ay ginanap noong Setyembre 21, 2022 sa Busan, ROK.

Kasama rito sina Assistant Secretary for Maritime and Ocean Affairs Maria Angela A. Ponce at Ambassador of the Philippines to the ROK Ma. Theresa B. Dizon-De Vega na kasamang nanguna sa delegasyon ng Pilipinas habang si Director General ng ASEAN at Southeast Asian Affairs Bureau Cecilia Jung ng Korean Ministry of Foreign Affairs ang namuno sa delegasyon ng ROK.

Tinalakay ng Pilipinas ang pagtutulungan sa larangan ng marine environment protection, at ocean economy.

Sumang-ayon din silang makipagpalitan ng pinakamahuhusay na kagawian, pahusayin ang capacity-building programs at iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter