Boston Celtics coach Ime Udoka, nahaharap sa posibleng suspension

Boston Celtics coach Ime Udoka, nahaharap sa posibleng suspension

POSIBLENG sumailalim sa suspensyon ang head coach ng Boston Celtics na si Ime Udoka matapos itong magkarooon ng “impoper intimate and consensual relationship” sa isang empleyado ng organisasyon ayon sa ulat ng The Athletic.

Ang nasabing relasyon ni Udoka at ng empleyado ay lumabag sa code of conduct ng organisasyon base sa ulat.

Dahil dito maaaring mapatawan ng disciplinary action si Udoka kabilang na ang pagkakasuspinde dito dahil sa paglabag nito sa panuntunan ng organisasyon.

Wala pa namang detalye kung gaano katagal ang posibleng suspensyon kay Udoka ngunit ayon sa ESPN ay hindi ito maiiwasan.

Sa una nitong season bilang head coach, pinangunahan na ni Udoka ang Celtics sa NBA Finals kung saan natalo ito ng Golden State Warriors sa 6 na laro.

Follow SMNI NEWS in Twitter