COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang tumaas nitong nakalipas na linggo–OCTA

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang tumaas nitong nakalipas na linggo–OCTA

BAHAGYANG tumaas ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila noong nakalipas na linggo.

Batay sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David ng OCTA Research, naitala sa NCR ang 4.1% 7-day positivity rate mula noong August 29 hanggang Sept. 5, 2023.

Mas mataas ito ng 1.1% kumpara sa naitalang 3% noong aug. 22 hanggang 28.

Kaugnay nito, inaahasan naman ng OCTA na tataas pa ito sa susunod na linggo ng hanggang 5%.

Nitong Miyerkules, nakapagtala ang Department of Health ng 119 na bagong kaso ng COVID habang 82 naman ang naka-rekober mula sa sakit.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter