Malacañang, sinuspinde ang trabaho ng gobyerno at public classes dahil sa sama ng panahon sa Metro Manila

Malacañang, sinuspinde ang trabaho ng gobyerno at public classes dahil sa sama ng panahon sa Metro Manila

IPINAG-utos ng Malacañang ang suspensiyon ng mga klase at trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila.

Epektibo ito alas-tres ng hapon ng Huwebes dahil sa sama ng panahon na dala ng Southwest Monsoon at Super Typhoons na “Goring” at “Hanna”.

Batay ito sa inilabas na memorandum circular alinsunod na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Gayunpaman, nilinaw ng Palasyo na ang mga ahensiya ng gobyerno na may kaugnayan sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at serbisyong pangkalusugan, kahandaan/tugon sa mga sakuna at kalamidad, at/o pagganap ng iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon at pagkakaloob ng mga kinakailangang serbisyo.

Sa kabilang banda, ang pagsususpinde ng trabaho para sa mga pribadong kompanya at mga klase sa mga pribadong paaralan ay nasa pagpapasya na ng pamunuan ng mga ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter