PATULOY na bumababa ang COVID-19 cases sa Quezon City sa kabila ng surge sa lugar noong mga nakaraang buwan.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Octa Research Group, bumaba ng 36% ang average new daily cases ng lungsod – mula 793, 506 na ito sa kasalukayan.
Ang naturang bilang ay kalahati ng mga kasong naitala noong September 12 hanggang 18 kung kailan nangyari ang pinakahuling surge sa lugar.
Sa ngayon, nasa 64 lamang ang reproduction number ng Quezon City mula 81 noong September 8 hanggang October 4.
Ang positivity rate naman nito ay nasa 12% mula 17% noong nakaraang linggo.
Bumaba rin ang average daily attack rate ng lungsod na kasalukuyang 15.89 per 100,000.
Ayon kay Professor Guido David, base sa mga datos na ito, maaaring bumaba sa 200 ang daily new cases ng lungsod sa katapusan ng Oktubre.
Base rin sa risk assesment ng covidactnow.org, makokonsidera na ngayon na nasa moderate risk ang Quezon City pati na rin ang National Capital Region.
Saad naman ni Mayor Joy Belmonte na sa kabila nito, patuloy ang lungsod sa pagbabakuna at pagtutuunan nito ng pansin ang mga testing center, isolation facility at mga ospital na nag-aasikaso ng mga covid-19 positive patient.
“As long as we have cases, our services will continue for all affected QCitizens”, saad ni Belmonte.