HINDI na kinokonsiderang requirement ang COVID-19 vaccination sa mga mag-aaral at personnel na sasali sa in person classes sa mga kolehiyo at unibersidad.
Ito ang inanunsyo ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera.
Kung matatandaan, isa ito sa requirement upang mapigilan ang posibleng hawaan ng COVID-19 sa paaralan.
2021 nang bumalik sa in person classes ang mga kolehiyo at unibersidad.