SASABAK ang Creamline Cool Smashers at Petro Gazz Angels bilang representative ng Pilipinas sa 2025 AVC Women’s Champions League.
Gaganapin ang naturang volleyball tournament sa Abril 20 hanggang 27.
12 teams kasama na ang dalawa mula sa Pilipinas ang kasali rito.
Ang kompetisyon ay nag-aalok ng pinagsamang prize pool na 50 thousand dollars at dalawang pwesto sa 2025 FIVB Volleyball Club World Championships na gaganapin din ngayong taon.