Creamline players, pangungunahan ang women’s national team pool sa 32nd SEA Games sa Cambodia

Creamline players, pangungunahan ang women’s national team pool sa 32nd SEA Games sa Cambodia

KASALI ang 6 na manlalaro mula sa Creamline Cool Smashers sa women’s national team pool para sa gaganaping 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ngayong Mayo.

Ibinunyag na ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang pool ng mga manlalaro na nanggaling mula sa Premier Volleyball League (PVL). Creamline 

Kasama sa nasabing pool ang phenom na si Alyssa Valdez, Jia Morado-De Guzman, Tits Carlos, Ced Domingo, Kyla Atienza, at Jema Galanza.

Kasama rin nila sila Kat Tolentino at Cherry Nunag ng Choco Mucho, Angel Cayuna ng Cignal, Kath Arado, Mika Reyes, Dell Palomata at Jules Samonte ng PLDT, Mylene Paat ng Cherry Tigo, at MJ Phillips ng Petro Gazz.

Kumpyansa naman si National Team Coach Jorge Edson Souza Ed Brito at sinabing magkakaroon sila ng regular trainings kada Lunes at Martes.

Follow SMNI NEWS in Twitter