Crown Prince ng Dubai, ipinagdiwang ang kanyang ika-40 kaarawan

Crown Prince ng Dubai, ipinagdiwang ang kanyang ika-40 kaarawan

IPINAGDIWANG ni Dubai Crown Prince Sheikh Hamdan Bin Mohammed Bin Rashid Al Maktoum ang kanyang ika-40 kaarawan.

Si Sheikh Hamdan ay itinalagang Crown Prince ng Dubai mula 2008 at isa sa sikat na lider dahil sa kanyang pagiging simple at maayos na pamamahala.

Isa siya sa iginagalang na pulitiko sa United Arab Emirates (UAE) at sa mundo sa nakalipas na 14 na taon bilang Crown Prince ng Dubai.

Si Sheikh Hamdan ay kilala sa kanyang palayaw na Fazza na ang ibig sabihin sa Arabong salita ay taong tumutulong.

Ang kanyang pagmamahal naman sa mga hayop, kapaligiran at adventure ang nagdulot para umani siya ng milyun-milyong followers sa Instagram kung saan mayroon din siyang mga artistang kaibigan.

Sa kabuuan ay higit 14 na milyon ang kanyang followers sa Instagram na regular na sinusundan ang kanyang mga post sa paglalakbay at araw-araw na aktibidad.

Upang markahan naman ang kanyang ika-40 kaarawan ay nag-share ito sa kanyang Instagram ng larawan ng kanyang isa at kalahating taong gulang na kambal na sina Rashid at Shaikha na may hawak na makukulay na lobo.

Si Sheikh Hamdan ay nakalinya bilang susunod na ruler ng Dubai kasunod ng kanyang ama na si Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum na siya ring vice president at prime minister ng UAE.

Follow SMNI NEWS in Twitter