PINANGUNAHAN ni Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles ang ika-122 anibersaryo ng Philippine Civil Service na ginanap sa SM North Edsa sa Quezon City.
Kasabay ng kanilang anibersaryo ay ang paglagda ng isang memorandum of agreement na layong bigyan ng diskwento ang lahat ng government employees sa bansa.
Kung saan iba’t ibang diskwento ang hatid ng SM supermalls kabilang ang sa SM stores, ACE Hardware, Watson’s, SM bowling at iba pa.
“This event in celebration of the Philippine service anniversary its a month long celebration this entire month ng September and SM has always in partner ng Civil Service Commission in the celebration on PCSA anniversary sa pagbibigay ng mga diskwento, mga privileges para sa ating mga civil servants, mga government workers. So this MOA signing is in fulfillment of the yearly support na binibigay ng The SM Group SM Malls sa lahat ng mga civil servants. So maraming mga discounts and privileges ang binibigay sa ating nga civil servants, mga government workers ng SM at ng ibang mga partners na sumusuporta mula sa private sector sumusuporta sa ating Philippine Service Anniversary,” pahayag ni Nograles.
Pwedeng i-avail ang benepisyong ito hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa buong SM supermalls sa bansa.
Kung saan alok ng SM supermalls ang P300 na diskwento para sa minimum na P3,000 na purchase ng mga ito.
Magsisimula ang pagbibigay-diskwento sa Setyembre 23-25 ng taon.
“Actually bawat regions ang ating mga regional directors ay nakikipag-ugnayan din naman sa mga local establishments na gusto maging partner ng civil service sa pagbibigay ng discounts, privileges sa ating mga civil servants so hindi lamang sa NCR hindi lamang sa mga malalaking siyudad kundi pati na rin sa mga regions sa mga lalawigan ang ating mga civil service regional directors and heads ay nakipag-ugnayan din po sa mga local establishments para mabigyan din ng iba’t ibang mga prebilehiyo, diskwento doon sa kanilang mga regions,” ayon kay Nograles.
Maari lamang ipakita ng bawat government employee ang kanilang mga ID’s na nagpapatunay na sila ay kwalipikado na makatanggap ng mga nasabing diskwento.
Sa gitna nito, ikinagalak ng ilang gov’t employees ang diskwentong matanggap na anila malaking bagay ito lalo’t nagmamahal ang mga bilihin.
“Of course malaking bagay to sa ating mga civil servants across the country kasi alam na mahirap ang buhat ngayon with all the prices going up malaking tulong ito para at least magkaroon tayo ng kaunting savings man lang sa ating mga budget,” ayon kay Dir. Presco Rivera Jr., government employee.
“’Yun po malaking tulong po ‘yung mga discounts na nakukuha ng ating mga kasamahan sa public service kasi nga po yun hindi naman, alam naman po natin lahat na hindi ganun kadali ang buhay ngayon pandemic lalo na so malaking tulong po siya kahit papano bawas sa gastusin ng ating mga kapatid sa lingkod bayan,” ayon kay Niel Sanchez, government employee.
Pagpapasalamat din ang ipinaabot ni Chairperson Nograles sa lahat ng gov’t employees na nagpupursige at tapat sa pagbibigay-serbisyo sa kanilang mga tungkulin para sa bayan.
“Unang-una sa lahat, kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga kawani ng ating gobyerno, ating mga fellow servants sa lahat ng sakripisyo na binibigay nila specially noong panahon ng kasagsagan ng pandemya hanggang po ngayon ay patuloy pa rin ang lahat ng sakripisyo lahat ng trabaho lahat ng ginagawa ng ating civil servants para makapagbigay-serbisyo sa ating bayan at sa ating mga kababayan of course ‘yan ay parte ng trabaho po natin pero every September buwan po yan kung saan pinapamalas po natin ang ating pagmamahal at pagbibigay-pugay sa ating mga kawani ng pamahalaan ng bayan, tawagin nating mga lingkod bayan or mga lingkod bayan sa ganitong paraan pinapamalas po natin ang ating pagpapasalamat sa lahat ng sakripisyo binibigay ng bawat kawani ng pamahalaan ng bawat lingkod bayan,” ani Nograles.
Samantala, umaasa naman ang ilang manggagawa na marami pang mga pribadong sektor ang magiging katuwang ng pamahalaan na magbibigay suporta sa mga gov’t employee sa bansa.