NAPAPANAHON na para mag-hire ang mga ahensya ng gobyerno ng totoong mga empleyado para sa mga plantilla position ng gobyerno na sumailalim sa Civil Service Commission (CSC).
Ito ang ipinaabot ni CSC Commissioner Aileen Lourdes A. Lizada sa panayam ng SMNI News.
Ani Lizada, hindi fair ang pag-hire ng mga job orders (JO) at contract services (COS) dahil walang mga 13th month pay at mga allowance ang mga ito.
Sinabi ni Lizada na ang mga manggagawa sa ilalim ng JO at COS ay nagtatrabaho rin ng mga plantilla works ngunit hindi ‘entitled’ sa mga benepisyo ng gobyerno.
Ang iba aniya ay kapit sa patalim kahit alam nila na wala silang matatanggap kapag sila ay natanggal o kaya ay tapos na ang kontrata sa gobyerno.
Isinusulong naman ngayon ni Comm. Lizada na punan ang mga posisyon na available para sa mga JO at COS dahil napapakinabangan din ang mga manggagawang ito lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
Nasa mahigit 100,000 ang available plantilla positions sa gobyerno na bakante pa.
