PNP, pinatatanggal ang mga peke at recycled crime post sa social media

PNP, pinatatanggal ang mga peke at recycled crime post sa social media

PINATATANGGAL ng Philippine National Police (PNP) ang mga crime post sa social media pages na mali ang impormasyon.

Base sa validation ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), may larawan sa article ng isang social media page ng Angono Rizal news online na ang larawan ay mula sa Facebook page ng San Mateo Municipal Police na ginawa pa noong July 2020.

Sinabi rin ni ACG chief Brig. Gen. Joel Doria na ang imahe ay edited at intensyon na i-post para maka-attract ng mas maraming followers.

Dagdag pa ni Doria, base sa kanilang imbestigasyon, kalimitan sa mga video na tungkol sa attempted rape, abduction, at sinasabing missing persons na umiikot sa social media ay tapos na at naresolba na.

Ngayon ay titiyakin ng PNP na mabubura ito sa social media dahil naglalarawan ito ng gobyerno na unstable para makaakit ng followers.

Inutos na rin ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang lahat ng unit ng kapulisan sa buong bansa na paigtingin ang monitoring hinggil sa pekeng balita.

Follow SMNI NEWS in Twitter