HINDI magdedeklara ng ceasefire ang Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong holiday season.
Sa isang pahayag, sinabi ng central committee ng CPP na walang dahilan para magdeklara sila ng tigil-putukan ngayong Kapaskuhan at nalalapit na 54th anniversary ng grupo.
Ito ay dahil patuloy pa rin anila ang US-Marcos regime at Armed Forces of the Philippines sa state terrorism at armed suppression laban sa sambayanang Pilipino.
Ayon sa CPP, may pwersa pa rin ng combat troops ng militar sa mga komunidad ng magsasaka at minorya, at brutal na nilulupig umano ang mga pinagsususpetiyahang sumusuporta sa New People’s Army (NPA).
Dahil dito, ipinag-utos ng central committee sa NPA na magsagawa ng tactical offensives laban sa mga tropa ng pamahalaan.