CTGs, nakararanas na ng matinding gutom at ‘di pagkakaunawaan sa kilusan

CTGs, nakararanas na ng matinding gutom at ‘di pagkakaunawaan sa kilusan

KAHIRAPAN sa loob ng kilusan ang nag-udyok sa dalawang dating kasapi ng teroristang komunistang grupo na sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan.

Kinilala ng kapulisan ng Cagayan at ng kasundaluhan ng 77th Infantry Battalion ang mga sumuko noong Abril 19, 2023 na sina Ka Harry at Ka Lisa.

Kasabay rito isinuko rin nila ang iba’t ibang uri ng mga gamit pandigma, assorted na bala ng baril, medical paraphernalia, mga gamit pang-komunikasyon at mga ilang mahahalagang dokumento sa loob ng kilusan.

Ayon pa sa dalawang sumuko na dahil sa mas pinaigting na kampanya ng kasundaluhan sa kanayunan at pinaigting na military operation at Community Support Operations sa mga lugar na kinikilusan ng mga teroristang grupo ay lumalala na ang kahirapan at gutom sa loob ng kilusan.

Maliban dito, nagkakaroon na rin ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila dahil sa pagkabalisa at pagkakawala ng ilang matataas na pinuno nito bunsod ng kanilang pagsuko at mga namatay sa nakaraang engkuwentro sa pagitan nila at kasundaluhan.

Samantala, positibo si Colonel Ferdinand Melchor C. dela Cruz, MNSA PA, commander ng 501st Infantry (Valiant) Brigade na malapit nang matapos ang laban kontra insurhensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter