HINIKAYAT ni House Minority Leader at 4Ps Party List Rep. Marcelino Libanan ang cybercrime experts mula sa National Bureau of Investigation (NBI).
Aniya, maiging tumulong ang mga ito sa nakatakdang imbestigasyon ng Kamara hinggil sa aberyang nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong January 1, 2023.
Ani Libanan, mas mainam ang magkaroon ng espesyalista at eksperto sa imbestigasyon upang mas maayos itong maisagawa lalo na kung ang tinitingnang anggulo ay cyberattacks, sabotage at iba pang uri ng malisyosong aktibidad.
Maging sa imbestigasyon ng iba pang issue na tatalakayin sa Kamara ani Libanan ay mainam ding may eksperto na dadalo.
Sa January 10 isasasagawa ng House Committee on Transportation ang briefing hinggil sa NAIA glitch.
Matatandaang aabot sa 65-k ang apektadong pasahero nang mangyari ang aberya sa NAIA.