Czech Republic Ambassador, humanga sa sistema ng pagmimintina ng mga tren ng MRT-3

Czech Republic Ambassador, humanga sa sistema ng pagmimintina ng mga tren ng MRT-3

HUMANGA ang Ambassador ng Czech Republic, H.E. Karel Hejč, sa sistema ng pagmimintina ng MRT-3, lalo na sa mga tren nito na gawa sa Czech Republic, ang CKD Tatra Trains, Pebrero 12.

Ito ay kasunod ng kaniyang courtesy visit at tour sa Depot Complex, kung saan malugod siyang tinanggap nina Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 OIC Jorjette B. Aquino at Director for Operations Oscar B. Bongon.

Lubos na ikinatuwa ni Amb. Hejč ang patuloy na epektibong kooperasyon ng MRT-3 at Czech Republic, pati na rin ng bansang Japan, sa pagpapanatili ng isa sa aniya’y pinakamahalagang proyekto na pampublikong transportasyon sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter