AFP, nakahanda sakaling maghiganti ang Dawlah Islamiya Group

AFP, nakahanda sakaling maghiganti ang Dawlah Islamiya Group

MATAPOS kumpirmahin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na binawian na ng buhay ang top leader ng Dawlah Islamiya – Maute Group na si Khadafi Mimbesa, alyas “Engineer,” nakahanda ngayon ang AFP sakaling rumesbak ang mga natitirang miyembro nito sa pamahalaan.

Sa isang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, araw ng Martes, sinabi ni Col. Francel Margareth Padilla, tagapagsalita ng AFP na tinitingnan nila ang lahat ng anggulo na magkaroon nga ng paghihiganti.

“Sa lahat naman for every operation of course, will always look at the angles in operation so this is always a possibility and reassured that the AFP will be well prepared for any possibility at all” pahayag ni Col. Francel Margareth Padilla, Spokesperson, AFP.

Kaugnay rito, binigyang-diin ni Col. Padilla na malabo nang makapagbuo muli ng puwersa ang nasabing teroristang grupo lalo na’t patuloy ang pursuit operations ng militar sa mga natitirang suspek sa pambobomba sa Mindanao State University (MSU) noong Disyembre 2023.

“Ngayon kasi ang kina-conduct natin is pursuit operations so actually we know that there forces has already dwindling so the possibility then na mag-regroup pa sila is already very slim,” dagdag ni Padilla.

Dahil sa pagkakapatay kay alyas Engineer, sinabi ng AFP na malaki itong kawalan sa mga operasyon ng grupong Dawlah Islamiya.

“So, identified siya as amir so kumbaga malaking tao talaga siya, in that so we would like to term it as they have a leadership vacuum so usually these groups they float out there who their leader is but now wala silang ganun now it shows that we were able to give a decisive in terms of their group and their operations,” ani Padilla.

Matatandaan si alyas Engineer ay kabilang sa mga napatay sa operasyon ng militar noong nakaraang buwan sa Piagapo, Lanao del Sur.

Sa nabanggit na operasyon, narekober ng tropa ang siyam na matataas na baril, isang bandolier, apat na Baofeng radio at isang smartphone.

Samantala, pinuri naman ni AFP Chief Romeo Brawner Jr. ang tropa ng militar sa matagumpay na pagtugis sa mga suspek sa MSU bombing.

Kasabay ang panawagan sa mga natitirang miyembro ng teroristang grupo na sumuko na sa pamahalaan.

“Our troops will be relentless in the pursuit of those who will seek to disturb the peace. Take this as an invitation and a call to surrender now and avoid the same fate as your dead comrades,” pahayag ni Gen. Romeo Brawner Jr., Chief of Staff, AFP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble