Czech Republic, posibleng magdadagdag ng suplay ng military equipment sa Vietnam

Czech Republic, posibleng magdadagdag ng suplay ng military equipment sa Vietnam

POSIBLENG dadagdagan ng Czech Republic ang isinusuplay nilang military equipment sa Vietnam.

Napagkasunduan ito ng Vietnam at Czech Republic para madagdagan at maiba rin ang mga kagamitan nila na halos nagmumula lahat sa Russia.

Kasama sa posibleng isuplay ay mga aircraft at radar maging mga upgraded na armour vehicles at firearms.

Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na maging supplier ng Vietnam ang Czech Republic.

Sa katunayan, dalawang dekada na itong supplier ng Hanoi.

Noong nakaraang linggo ay tumungo ang Czech Prime Minister sa Vietnam para sa isang 3-day visit.

Follow SMNI NEWS in Twitter