DA-BPI Chief: Sapat na si PBBM bilang Agriculture Secretary

DA-BPI Chief: Sapat na si PBBM bilang Agriculture Secretary

MAHIGIT isang taon pa lamang ang Marcos administration ay sunod-sunod ang export opportunities ang nabubuksan ng bansa bilang Agriculture Secretary.

Ayon sa DA-Bureau of Plant Industry, una rito ay ang pag-export ng durian sa China.

Nariyan pa ang pagpapadala ng manga sa Australia.

At ang bago ngayong export market ng Philippine avocado sa South Korea.

Ayon sa DA-BPI, inabot ng 14 na taon ang negosasyon para sa avocado exports.

“That was negotiated for 14 years and it took really the President, the push of the President and of course the efforts natin sa Department,” saad ni Dir. Glenn Panganiban, DA-Bureau of Plant Industry.

Nasa kalahating bilyon ang export deal ng Philippine durian sa China.

Habang nahinto naman ng 10 taon ang pagpapadala ng manga sa Australia.

Pero lahat aniya ito naging aktibo sa Marcos Jr. administration.

Ayon sa DA-BPI, hindi rin nila pinababayaan ang dati nang export products ng bansa.

“Our export industries is still alive, of course ang ating superstars diyan ay ‘yung bananas natin— USD 1 Billion a year, pinapple tapos coconuts. And so we are continuing that,” ani Panganiban.

Nanawagan naman ng dagdag pondo ang DA-BPI sa Kongreso para sa pagpapaigting ng high-value crops program ng pamahalaan.

Samantala, walang ideya si Director Panganiban sa kung sino ang itatalaga bilang bagong Agriculture Secretary.

Sa gitna na rin ito ng mga balita-balitang nagtalaga na ng bagong kalihim sa DA.

Pero kung siya ang tatanungin, sapat na aniya ang liderato ni Pangulong Marcos bilang Agriculture Secretary.

DA-BPI Chief: Sapat na si PBBM bilang Agriculture Secretary

“He is the first President who’s really going to the grounds, meeting with the people even sa distribution nga ng bigas andun siya eh. So, I think nararamdaman ng tao ang ating Presidente,” dagdag ni Panganiban.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, bumaba ang approval at trust ratings ni Pangulong Marcos nitong nakaraang buwan.

Ginawa aniya ang survey sa gitna ng isyu ng suplay ng bigas.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter