NILINAW ng Department of Agriculture (DA) na ang pagtaas ng presyo ng itlog ngayon ay dahil sa Avian Influenza.
Kasunod ito sa iniulat na ang isang itlog ay nabibili na sa halagang P10 at iniindang dagdag-pasanin na rin ito ng mga mamimili.
Sa kabila nito ay hindi nakikita ng DA na mas tumaas pa ang presyo ng itlog.
Minomonitor na rin ngayon ng DA ang presyo ng gulay partikular na ang ampalaya, repolyo, at carrots dahil naapektuhan ang mga ito sa malamig na panahon.