DA, tiniyak na sapat ang suplay ng bigas para sa Q3 ng 2023

DA, tiniyak na sapat ang suplay ng bigas para sa Q3 ng 2023

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) sa publiko na may sapat na suplay ng bigas ang bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng pangunahing pagkain sa bansa.

Ayon kay DA Senior Undersecretary Leocadio Sebastian, sapat na ang suplay ng bigas para matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa pagkain sa ikatlong quarter ng 2023.

Ani Sebastian, mayroong carry-over stock na 1.8 million metric tons (mmt) milled rice at import arrival na 1.8mmt para punan ang demand at konsumo ng pitong mmt mula Enero hanggang Hunyo.

Matatandaang, sinabi ni Pangulong Marcos na ang optimismo ay maaaring malampasan ng gobyerno ang 100 porsiyento na rice self-sufficiency sa pamamagitan ng mga agricultural initiatives nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter