DA, tututukan ang pompano farming sa San Antonio, Zambales

DA, tututukan ang pompano farming sa San Antonio, Zambales

NAKAHANDA ang Department of Agriculture (DA) na tulungan ang pompano farming sa Silaguin Bay Fish Farm sa San Antonio, Zambales.

Layunin nito ang mapataas ang produksiyon ng pompano dahil maliban sa matitiyak ang suplay ng isda sa bansa ay nai-export din ito.

Magiging katuwang naman ng DA para sa pagpapalago ng pompano farming ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa kasalukuyan, ang Silaguin Bay Fish Farm ay mayroong 44 na floating cages na nakakapag-produce ng tatlo hanggang apat na toneladang pompano sa loob ng siyam na buwan.

500 grams mula rito ay para sa local market habang ang 800 grams ay para sa exportation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble