Daan-daang indibidwal mula NCR, nagpabawtismo sa KOJC

Daan-daang indibidwal mula NCR, nagpabawtismo sa KOJC

GANITO kasaya sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ngayon dahil sa daan-daang mga indibidwal na nagpabawtismo mula sa National Capital Region (NCR) para makapasok at maging bahagi ng kongregasyon.

Ang bawat isa ay puno ng kagalakan, all out sa pagsasayaw at pagpupuri sa Amang Makapangyarihan.

Isa si Maricel, sa daan-daang nagpabawtismo ngayon sa Kingdom of Jesus Christ.

Ayon dito, lubos ang kaniyang pasasalamat na naliwanagan siya sa mga pangangaral ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Hindi rin aniya siya naniniwala sa mga negatibong balita laban sa butihing Pastor dahil alam niyang may mga taong puno ng inggit at gusto lang pabagsakin si Pastor Apollo.

“Kasi minsan ‘yong mga accusations hindi naman totoo. Mas maganda ‘yong nakikita kesa sa nadidinig lang,” ayon kay Maricel.

“Kahit ngayon sa gobyerno di ba, kahit sino ‘yong umupo, pag nasa taas na parang hinihila pababa, so sa ngayon kasi di ba si Pastor, marami nang na-encourage, marami siyang natutulungan, so parang ginagawan nila ng paraan, para mawala siya,” ayon pa kay Maricel.

Si Ate Alfelina na mula pa sa Ilocos ay lumahok pa sa prayer rally ng KOJC sa Liwasang Bonifacio bago ang kaniyang water baptism.

Ayon dito, kahit ano pang akusasyon ang gawin nila kay Pastor Apollo ay hindi ito makakaapekto sa desisyon nilang pumasok sa KOJC.

Ang mga kabataaan hindi rin nagpahuli sa water baptism.

Ayon sa kanila, nabago ng pangangaral at kabutihan ni Pastor Apollo ang kanilang mga buhay.

Dahil nga anila sa butihing Pastor ay handa silang depensahan ito laban sa mga mapanirang tao.

Bago pa man ang pormal na pagbawtismo ay taimtim na nanalangin ang lahat.

Ayon sa mga Kingdom Minister, nananatiling masigasig ang Bansang Kaharian sa ginagawa nitong invitation at saturation drives.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble