Daan-daang police officers ng NCRPO, nakatanggap ng libreng medical check-up mula sa PNP

Daan-daang police officers ng NCRPO, nakatanggap ng libreng medical check-up mula sa PNP

NAKATANGGAP ngayong araw ng libreng medical checkup ang mahigit sa 500 police officers ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon sa PNP Health Service, maituturing na kayamanan ang kalusugan para magampanan ng mga ito ang kanilang mandato sa larangan ng peace and order sa bansa.

Kaya naman para sa mga miyembro ng NCRPO, malaking pasalamat para sa kanila ang ibinigay na libreng medical checkup at gamot sa loob ng 3 buwan mula sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, karaniwan sa mga dinaramdam ng mga kapulisan mula sa kanilang mga area of responsibility ay hypertension o highblood, diabetes at mataas na cholesterol, bagay na malaking tulong anila ito sa regular na pagmonitor sa kalusugan ng lahat.

Isa rin sa mga itinuturing na hamon sa kalusugan ng mga pulis ay stress, kaya naman, isa rin ito sa libreng serbisyo na na ibinigay sa kanila ngayong araw.

Makatutulong ito upang maging epektibo ang mga pulis sa kanilang trabaho mula sa kani-kanilang area of responsibility.

At para naman sa mga may diabetes at problema sa diet, kasama rin sa serbisyo dito ang nutritional counseling, optical at dental checkup at marami pang iba.

Sa katunayan, isang paraan na rin aniya ito sa ginagawang paghahanda ng NCRPO para sa nalalapit na SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lalo pa’t tumataas ngayon ang bilang ng COVID-19 cases sa Metro Manila.

Ang naturang serbisyong medikal ay inaasahang iikot sa iba’t ibang police districts mula sa iba’t ibang regional at provincial offices ng PNP.

Follow SMNI NEWS in Twitter