ABISO sa mga motorista! magpapatupad ang mga kumpaniya ng langis ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa pagtataya, ang diesel ay posibleng tataas mula P0.90 hanggang P1.10 at P0.60 hanggang P0.80 sa kerosene.
Samantalang bababa naman mula P0.90 hanggang P1.10 ang kada litro ng gasolina.
Nakatakda namang iaanunsyo ng mga oil companies ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw.