Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo na bukas

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo na bukas

EPEKTIBO na ang dagdag-bawas sa presyo ng ilang produktong petrolyo bukas, araw ng Martes, Hulyo 11.

Sa abiso ng kompanyang Shell at Seaoil, may rollback na P0.20 ang kada litro ng gasoline.

Habang taas-presyo naman na P0.50 sa kada litro ng kerosene at P0.75 sa diesel.

May kapareho ring price adjustment ang Clean Fuel, Petrogazz at Caltex, sa gasoline at diesel.

Pawang epektibo ang naturang price adjustment 6:00 bukas ng umaga.

Maliban sa Cleanfuel na magpapatupad 4:00 ng hapon at madaling araw naman ng Martes ang Caltex.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter