INAPRUBAHAN na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region (NCR) ang minimum wage hike na P40.00 o katumbas sa 7% para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Mula sa P570, tumaas sa P610 ang sahod sa non-agricultural sector at P533-P537 naman para sa agriculture sector.
Epektibo ang Wage Order No. NCR – 24 sa Hulyo 16, 2023.
Kaugnay nito sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) aabot sa 1.1 milyong manggagawa sa Metro Manila ang makikinabang sa nasabing wage hike.